Facebook Badge

Friday, September 4, 2009

Ang Pagtatampo

Ano ba ang pwede mong sabihin,
Sa pusong puno ng pagkalito,
Upang humupa ang pagtangis nito?
Kumupis ang mga matang pugto
At tuluyang malinawan ito?

Na ang buhay ay walang katapusang pasakit,
Iilan lang ba ang nabuhay na lumaban sa sakit na dulot ng pagkalito?

Nais kong magtanong ng opinyon nyo,
Tama bang kimkimin ang lihim na pagtatampo?
O hayaang tuluyang sumabog ito?
Hayaang malayaang bumuhos ang mga luha
Sa mga matang walang nais mapagmasdan ay ang wangis ng sinisinta.

Mga mata ko’y nasisilam sa hapdi,
Puso ko’y nagdurugo sa pait.
Dibdib ko’y puno na ng puot at sakit.
Mali nga ba na ika’y ibigin ko?
Nararapat na nga bang tapusin na ito?

Kelan ba mawawala ang balaraw sa aking dibdib?
Kelan ba ang puso ko’y tuluyang mamanhid?
Kung ang nag-iisang sinisigaw ay ikaw?
Ang nag-iisang sanhi ng aking pagtangis.
Ang nag-iisang dahilan kung bakit ang pait ay nagiging tamis.

Irog ko alam mong hindi talaga kita mahal.
Kundi sampung beses kitang iniibig.
Baliw ba ako?
O sadyang mapagtiis?
Martir ba akong matatawag,
O sadyang ayaw lang iwan ang iniibig?

Batid kong lilisan ka din tulad ng mga nauna.
Subalit nais kong wag naman kaagad muna.

0 comments:

  © Blogger template 'Ultimatum' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP