Facebook Badge

Sunday, July 27, 2008

MANO PO: a milestone



In the past few years now, I’ve met a lot of people from different walks of life. Part of my exploration as a new person, hahaha.
Dami ko nakilala along the way, pero only few were regarded as friends
Before I didn’t care about other people, I didn’t even think of knowing them, natatapos ang araw ko ng trabaho-bahay, bahay-trabaho.
I considered myself as a turtle, lam mo yun kapag me na-sense na danger kagad nagtatago sa shell well in different way naman.
In my case tuwing me lalapit na tao, kagad akong yumuyuko, just to hide my face, I don’t know bakit ba sobra akong mahiyain nun, or laging ilang sa mga tao, noon super scripted lang ang mga lines ko: “po”, “opo”, “bakit po?”

Siguro malaking factor yung I was raised by my titas which tagged as old maids daw, sa loob ng bahay mabibilang mo ang usapan namin, kung magsasalita man super soft at mahina lang…

I was raised in a home were love is present yet di mo makikita, mararamdaman mo na lang na nandun…

Si Ate Lanie the oldest among our titas soft spoken sya, disciplinarian, good provider at super present lagi sa church.
Friendly sya, what’s so special about her lagi yang me pasalubong na pagkain, dun ko namana yung laging me bitbit na pagkain pauwi ng bahay. And yung pagiging moderate kung magsalita sa kanya ko din namana yun.

Year 1998 when my parents decided to transfer here in Laguna, sa hirap ng buhay sa Marinduque iniwan namin ang lahat dun and full of hope na makakabawi sa paglipat namin sa Real, Calamba.

Si Papa simple lang ang trabaho nya laborer, that time boom na boom ang construction madami kasing itinatayong Industrial Parks, Papa worked as carpenter/electrician at di naglaon foreman.

That time my siblings were still young; Marco the one next to me is only 12 years old, maliit pa sya so imagine me mas mga bata pa kong kapatid,
Marion who’s 10, Joy is 7 and John Mark who’s only 4.
Life was tough as in super, then there was time na nagkasakit si Papa natakot kaming lahat, si Mama lagi na lang umiiyak, nakailang ulit dinala sa PGH, ayun bumaba daw ang potassium sa katawan kaya halos naparalyze sa sobrang panghihina.

Ako naman nakatira sa mga tita ko sa Alabang, me mga instances di ko malunok yung mga pagkain lalo na’t masarap.
I always think of my younger siblings if only there is a way na pwede ko ma-ishare sa kanila yung masarap na pagkain ko, di ko na kakainin ibibigay ko na lang sa kanila.
I always look up the sky and secretly shout (sa isip ko) Lord why are so unfair? Kala ko ba lahat pantay pantay sa paningin nyo?
Siguro Malabo ang mata ni Lord noon, ilan kaya grado ng mga mata nya? Hmmmmf…

Simula nung magkaisip ako di pa kami nakaranas ng masaganang pamumuhay, lalo na nung when I was in Elementary, grade 6 na ata ako nakaranas magsuot ng uniform at bagong sapatos, that time kasi nakapagtrabaho na ang panganay naming kuya na si Michael

If my memory serves me correctly lagi na lang akong nanghihiram nun ng uniform at black shoes sa kaibigan ko, kailngan ko kasi, the following morning maaga akong gigising mas maaga in usual na gising ko, kasali kasi ako sa quiz bee, hirap nun di ko halos kinukuskos yung swelas ng sapatos ni Juancho baka kasi magasgas, hiniram ko lang kasi yun sa kanya.

March 18, 1996:
Graduation namin ng elementary, as usual ala si Papa na inaasahang magsasabit ng mga medals ko, si Mama naman nandun kaso me hawak na bata na umiiyak so si Ate Bulaklak came to the rescue sya nagsabit ng mga medals ko, weird no, minsan lang ako gragraduate ng elementary tapos alin man kina Mama at Papa di nakapagsabit ng medals ko.
Kakatuwa nun di ko talaga inaasahan na gagraduate ako na me mga ganung awards at medals, Grade 1 super bobo ko nun, Grade 2 na ko natutong magbasa, then Grade 3 lagi na din akong isa sa mga highest sa mga tests and exams namin, Grade 4, 5, 6 in fairness kasali na sa mga quizbee, salamat sa school Principal namin na laging nagbibigay ng allowance ko.
 
The following school year 1st Year High School na ko, sina Mama at Papa nandito na sa Calamba, same scenarios or let’s say naging mas malubha? Sa lahat na PTCA Meeting alang present para sa kin, mom ng classmate ko na malapit sa min ang pumipirma ng report card ko, kakatawa di man lang nakita nina Mama yung mga grades ko, di nila alam na tuwing me ,meeting pinapatawag ako ng Principal para ipagmalaki sa ibang mga magulang.
Okay lang sa kin yun alam ko me reasons bakit ganun, nagpatuloy yun hanggang 2nd Year HIgh School na ko, tuwing me laban ako sa malayong district, my tita one of the teacher namin sa high school, papasok sa lahat na classroom para manghingi ng financial support sa mga schoolmates ko. Di na lang ako kumikibo kasi nahihiya ako kahit papano sa mga schoolmates ko, siguro reason din yun kung bakit di ko sila mahindian kapag me ipinapaletterings sila sa mga folders nila.

March of 1998:
Recognition day, aba masama loob ko, I mean namin 2 pala ni Anne, sa ibang tao napunta ang mga awards na para sa amin.
Huwag na ngang magreklamo, ganun talaga.
Timely naman panahong yun umuwi sina Papa at Mama, para daw makaranas si Papa na magsabit ng medals, sayang kasi kulang yung napunta sa min ni Anne, kulang ata ng 2 medals na binigay sa ibang tao.
Kinatanghalian sabi ni Papa: magpaclearance ka na kagad at kunin mo na yung class card mo, it’s about time na sumama na kayo sa min sa pagbalik sa Calamba.

I was super excited that time, pero somehow teary din yung eyes ko, madaming tao pala akong maiiwan; si Anne at yung super kabarkada kong si Juancho. Pero ala na ko magagawa kasi para daw sa ikagagaan ng sitwasyon naming yun an magsama sama sa Calamba

Natransfer ako sa Pedro E. Diaz High School, from 1st section sa Marinduque, laglag ako sa section 17, transfer daw kasi.
Well, e di ala na magagawa, 3rd year ako nun ala masyadong nangyari sa kin, since asa section ako na ganun. Grades ko ok lang naman. At first hiya talaga ako sumagot sa teachers since me konting accent ako, promdi accent ika nga.

Next school year although section 15 ako, Masaya naman ako kasi kasama ko mga dati kong friends nun 3rd year.
Yung adviser namin she give ways para naman mailabas ko yung mga alam at talents ko daw, along with my drafting teacher, Ms. Ellen.

Kung me isang significant event nung March 2000, that is when nag grand slam kami sa painting contest. Hehehe isa lang naman ako sa 3 nanalo, kung anong place? Secret na lang…

June 2000:
Humina na ang company na ReadRite, kung saan si Ate Thess ay nagtatrabaho, magcoclose na daw, so di nga nagkalaon binayaran na sila, yung natanggap nya she decided to a house for herself. 
Another milestone yun halos lahat apektado, then it give way para me bagong mapakakakitaan sina Papa
at Tito Jim, nagsimula na kaming lumipat lahat dito sa Cabuyao, mga titas ko from Alabang, sina Tito Jim and sina Papa at Mama with my siblings.
Since ala na kami sa Alabang at humina na yung pasok ng pera, di na ko nakapagcollege,

June 2001:
Jollibee Calamba Crossing, una akong nagtrabaho, then sumunod sa Alabang, 2 years akong nagtrabaho dun na uwian sa gabi, Alabang to Cabuyao.

February 2003:
Nagtake ako ng entrance sa PUP Taguig, nakapasa ako pero sinamang palad, di kagad nakalipat ng trabaho, tulad ng inaasahan di ako natuloy na makapasok.

March 2004:
Nagtake ako ulit ng entrance exam sa Pamantasan ng Cabuyao, tulad ng dati mataas ang nakuha kong grade, yun pala ang ibig sabihin entitled akong magtake ng 4 years course, pero I decided to take 2 years course instead. After 2 sems napilitan na kong magstop, nagkasakit ulit si Papa and kailangan ko na ulit magtrabaho.
Sa una di madali na i-give up ang pag aaral ko. Ala magagawa eh siguro me mas magandang nakalaan para sa kin.

January 2006:
Inaya ako ng kapitbahay naming na mag-apply sa 
Philippines Auto Components (PAC-DENSO) natanggap ako at yung kasama ko na me backer ay di na man lang natawagan pa. naging Masaya ako dun kasi, I’ve met a lot of people, mga kadepartment ko at naaassign din ako pagminsan sa Inspection sa incoming material sorting.

August 2007:

Natapos ang contract ko, hanap ng panibago, pinasok ako ng tita ko sa company nila; CALAMBA SHINEI INDUSTRIES PHILIPPINES CORP.

Kung me isang pangyayari na di ko malilimutan yun ay yung nung September 27, 2006. Umaga nun nagising ako na masakit na masakit ang ulo, sabi ko kay Mama "masama pakiramdam ko", sagot nya: "wag mo na munang pilitin sarili mo, wag ka na munang pumasok". 12 pm pasado, nagtext si Ate Thess, salamat sa Diyos daw di ako pumasok, kundi isa sana ako sa nasabugan ng salamin, Dinaanan ng napakalakas ng buhawi ang company building namin, bumagsaka ang kisame, sumabog lahat na salamin. Lahat na taong dumadaan sa harap ng Admin. ay nasabugan ng salamin. Maraming nasugatan, nahospital.

After a week tinext kami ng clerk namin, me grand assembly, nandun lahat na head ng SHINEI, dun ko nakita ang company building, ala talagang natira halos lahat sira at basa ng tubig ulan. Nirelocate ang ibang gamit sa SHIN HEUNG at dun nag-operate ang production, kami natira para maglinis.

Last week ng October back to normal operation ang department namin.

After 11 months ng sobrang nakakapagod na trabaho, I’ve decided to leave the said company leaving behind some friends.

July 2007:
Nag apply ako sa Makati sa Agency ng Amkor Anam, pasado ako sa exam at interview, ni-rush ko ang pagkumpleto ng mga requirements ko, last day ko sa
Shinei nun, pang night shift ako, pagkaawas ko nagtuloy na ko sa Taft para sa medical ko, after 2 days meron ng result, I was terrified and at the same time disappointed, bagsak ako sa Xray, me maliit na spots daw sa film, then after two times na inulit ganun pa rind aw ang result then stop na ko para magpahinga muna, bunga daw yun ng puyat at alang matinong pahinga.

Mula noon marami na din nag encourage sa kin na magcallcenter agent. Ilang ulit ko din sinubukan, pero tuwing iniinterview na ko, di ko mabigkas ng tama ang mga words na dapat kong isagot, produkto ng tense nabubulol ako.
Stop na lang ako, tinanggap ko na lang na I’m not destine to be a callcenter agent.

Today:

Nag-aantay ako na gumaling na ang bulutong ko sa braso, nag-aantay din sa isang divine sign na hinihingi ko kay Lord.


Kung san at ano man ang magiging next sa buhay ko. Di pa yun klaro.
Alam ko me plano si Lord para sa kin…



To be continued….






2 comments:

Unknown July 27, 2008 at 11:29 PM  

...

I am happy to know you did what Alex told you-make a blog.

'Lam mo, I just realized that when I was down, as in super down, I couldn't turn to you. You are so focused with yourself. I couldn't find a place. Alex has a boyfriend already.

Anyway, it should be TO BE CONTINUED...not TO BE CONTINUE...

'Ge, ingat.

Mar (Ram) Regalado July 28, 2008 at 4:28 AM  

sa loob ng 2 buwan, alam mo pinagdadaanan ko. di naman sekreto sayo ang lahat di ba? nandito ka at nawitnessed mo ang lahat na mga pangyayari. di mo ata alam na sayo lang ako kumukuha ng lakas ng loob, sa lahat ng mga advise mo, sa mga salitang binigay mo nung umiiyak ako, dahil sa mga nangyayari sa kin. di ko magawang magbigay ng advise o tulong man dahil asa peak ako ng mas mahigit na paghihirap.

kung nawala na ang pagtitiwala mo sa kin, di ko alam kung pano man yun ibabalik...

  © Blogger template 'Ultimatum' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP