2ND DAY OF AUGUST
I wrote this entry last year, August 02, 2007 (my birthday).
Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh...................................................................
Ang bilis ng panahon talaga, imagine 25 years old na pala ako ngayon.
Ang weird ng pakiramdam, sa pakiramdam ko sa pagdagdag ng edad ko e nadagdagan na din ang responsibilidad ko and kailangan ko na din bawasan ang oras na naglalaro ako sa buhay ko.
Sa ngayon ang daming plano ang nalalaro sa isipan ko, mga plano sa hinaharap at para sa ikakabuti ng lahat na tao sa paligid ko.
Una na dun ang pamilya ko, kasunod ang sarili ko.
Ang swerte ko sa buhay ko ngayon eventhough, ala pa ulit akong trabaho, meron naman akong bestfriend na handang iwanan ang lahat para samahan ako.
meron ba kayo ng ganun?, i'm sure wala !!!!!!!!!!
Mag-iisang buwan na din pala akong nagpapahinga mula sa 11 buwang job engagement ko sa dati kong trabaho.
Ironic talaga ng buhay, hindi mo alam kung anong meron ka, hangga't hindi ito nawawala sayo, or let's say alam na natin kung anong meron tayo subalit hindi lang tayo handa na mawala lahat yun.
In life madami tayong matutunan as we gain age.
Lahat mahalaga, kahit masama ang nangyari sa tin tyak me reasons kung bakit yun nangyari, dapat handa lang tayo na i-uncover kung ano ang nakatagong mensahe sa lahat na bagay na nangyayari sa ating buhay.
Sa mga taong nakakilala sa akin, tiyak na naninibago kayo sa mga pananaw ko ngayon, pero sign of aging na daw to, at dapat lang nangyayari to sa akin.
Mas mature na ko ngayon, hahaha syempre 25 na ko eh.
Kahapon, nagtype na din ako ng blog ko, pero nang ipublish ko na, something happened, ang weird, hindi sya nag-appear and nabura sya.
Kagabi naisip ko mali pala yung pamagat.
"31st day of July" ang ginawa kong pamagat samantalang 1st day of August kahapon.
Pero hindi naman dapat nabura ang napakahaba kong blog na yun.
Pero ok lang, mali kasi pamagat nun hahahaha!
Ang babaw na reason,pero dahil hindi ko na naretrieve, kailangan ko ng kalimutan yun.Kahit papano me natutunan din naman ako sa pangyayaring yun.
___________________________________________________________________________
moral lesson; "if you don't type the correct title, never complains kapag nadelete !
____________________________________________________________________________
And this is my horoscope for today, napaka-timely nya !
____________________________________________________________________________
"You'll be at your brightest and happiest when you're learning something new today, so do yourself a favor and explore the world around you in a more curious way. Instead of just wondering how something is done, ask someone to explain it to you. Or hit the Internet for answers to whatever questions pop into your head. Do a search and satisfy that curiosity. Why put off feeding your brain when so much knowledge is right at your fingertips?"
1 comments:
hehehe... nice entry!! I like it all!! Hanga ako sa u kuya maren!!! Ui lapiy na Birthday nya.. Ahihi.. Pa canton ka naman... v(^^,)
Post a Comment