Facebook Badge

Saturday, July 26, 2008

ANG BUHAY SA AKING PAGLALARAWAN



I wrote this entry, back June 09, 2007.

I was full of disappointments and grieve.

I headed to a nearest cafe, sat down and write this thing.

My eyes are watery and my hands are shaking, I had argued with Nan that time,

Back to the time that we considered ourselves as rivals.

This is written in my native dialect, the Filipino...

Ang saya ng buhay kung alam mo kung paano mabuhay ng masaya at alam mo kung papano mo ito mapapasaya.
Paano kung pinilipilit mong masaya ang buhay mo pero ang pagiging masaya mo ay maraming humhadlang?
Magpaptuloy ka pa ba o susuko na lang?
Ito ang tamang tanong dun ; peace of mind o kasiyahan mo ?
Ang mga tao sa paligid natin ay sobrang abala para baguhin ang mga nasa paligid nila, ironic pero di nila magawang baguhin ang bulok nilang sarili !
Siguro yun ang sagot sa tanong ko, pinili din nilang maging masaya sa maling paraan yun ay ang manira at manghusga ng kapwa !
Kelan ba tayo pwedeng mabuhay sa buhay na tayo ang sya ang gagawa ,sa buhay na walang babatikos o kukutya ?
Nakaka-ubos din ng katinuan ng pag-iisip ang paghahanap ng tamang lugar at tamang panahon upang maging tunay na masaya ,tunay na me peace of mind ang buhay at me kaligayahan at kasiyahan na matagal na nating hinahanap !
Ilang nilalang na ba ang piniling iwanan ang buhay,ang piniling magpakamanhid sa buhay na hindi natin magawa ipaglaban ang sarili nating kasiyahan?
Sa mga bagay at taong pinilit natin maging atin subalit di natin makuha dahil sa pag-aalinlangan sa mga sasabihin ng matutuwid na tao (kuno) ,sa mga taong hindi ka maunawaan o sadyang ayaw ka lang nilang unawain?
Masakit mamuhay sa mga panandaliang kasiyahan, pinipilit nating lubusin ang sarap ng pakiramdam upang kapag dumating sa tagpong tapos na ang lahat kahit papano me natikman kang kasiyahan kahit panandalian lamang !
Di na ba tayo pwedeng lumabas sa kahon ng buhay ,sa idea na magiging masaya lang tayo kung tama lang lahat ang gagawin natin?
Paano ba maging tama sa mundong lahat ay halos mali ?
Ang tao pilit nilang hahanapin ang kamalian ng kapwa nila ,masaya sila dun,
Pilit nilang ipaparatang sayo ang mga bagay na hindi mo ginawa.
Ipapaamin nila ang mga sarili nilang kasalanan.
AKO simple lang ang kahulugan ng buhay , ito ang buhay na katibayan na ang impyerno ay wala sa kung saan man kundi nandito sa lupa ,sa isipan ng mga tao !
Sa mga kaibigan ko ,maraming salamat sa pagbibigay sa kin ng lakas ng loob upang magpatuloy sa pang araw araw kung laban sa buhay ko na tama man pero hindi masaya !
Sa mga taong pilit akong dinidiktahan, ipagpaumanhin nyo, may sarili akong isipan alam ko ang ginagawa ko.
Kayo ba alam nyo ang ginagawa nyo ?

Magpakasaya tayo sa kanya kanya nating mundo !
Tayo ang bida dito wag natin hayaang talunin tayo ng mga demonyo sa isipan ng mga kapwa natin !ang katotohanan ay nasa kaibuturan ng ating pagkatao.
Di nila hawak ang ating mga pag-iisip, wag natin hayaang sila ang masunod sa buhay natin, buhay natin to at hindi sa kanila !
Ang opinyon nila ay hindi mahalaga, mga buhay na halimbawa sila ng sakit na kanser ,mga malalaking parasitismo sa buhay natin na hindi natin magawang maging masaya dahil ang karamihan sa atin ay natatakot sa ibang tao !
Buhay natin to ,mas mahalaga keysa sa pananaw ng ibang tao !


Kaw, nkapili ka na ba ng gusto mong buhay ?
*ang maging masaya sa kabila ng panunuligsa o ang mabuhay ng tama pero walang saysay at kahulugan?*

0 comments:

  © Blogger template 'Ultimatum' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP