Facebook Badge

Sunday, July 27, 2008

HIS NAME IS FERNAND YIM












Today is July 27, 2008.


Nothing new, I’m still sick, my arms and legs are still full of blisters. Anyways every blisters are starting to heals and dry up. I’m a bit anxious about what’s next, I mean after recovering from chickenpox. After a month and a couple of weeks I’m starting to make another draft for what’s next for me. 

Last night I’ve decided to start writing here at bloggers.com after reading Fernand Yim’s works. I always look up to him when it comes to blogging he knows where to get the perfect words to use, I mean words that will surely and exactly describe a certain things, emotions or events.
No wonder why he’s one of the most promising online writer, he is my good friend, ahmmm well almost a brother.

Dati lagi kami di nagkakasundo nito, we always tends tofight over small things, kung me nabanggit sya sa post nya na isang tao na tinawag syang maikli ang leeg, hahaha that’s me. I’m the stupid person na walang kaabog abog kung magcomment sa kanya.
*(mynameisfernandyim.blogspot.com/reportingfernandyim.blogspot.com)*

I always tell him “Nan, lam mo lalo ka sana matangkad tingnan kung mahaba lang ang leeg mo”.
Well alam ko in some ways nakakaoffend yun sa kanya pero dinadaan ko na lang sa biro, matitigilan yun sabay sabing “aaaaaaaaaaaaah kasar ka talaga Ramon”….
We were always telling stupid things to each other, nilalait namin ang mga sarili namin to the point na we feel pity na rin sa aming mga sarili,

Me favorite lines yan, like: “aaaaargh you know me Ramon, you know me, you won’t like me when I’m angry!”
Sounds familiar? Line ni Angelina yun sa Bubble Gang.
Tapos I will always reply:
“ahuh, like whatever, you’re such a loser Nan!”

Dati lagi syang nagtetext sa kin, asking about my condition, how is my blisters? He always cheers me up,Ramon it’s not bad being a loser sometimes, ang masama kung forever kang loser".
Then kagad ako titingin sa taas and then hihinga ng malalim, he always tend to use the same advise na I had given na din sa kanya,
“Hay Ramon, tingnan mo, bukas tatawanan mo na lang lahat na problema mo”.

Siguro not everybody knows na I’m not the type of person who has a lot of friends, I choose to be alone most of the times, loner sabi nga nila.
Minimal kung magsalita, imbes na tumawa ngingiti lang ng bahagya. Pero it doesn’t means that I am not a friendly person, nasanay lang siguro ako na laging walang kausap.

Dati nung dito pa sya sa bahay tumatambay lagi na ko nagsasalita, iba kasi yung atmosphere kapag me kausap kang matalino, tapos every 2 days uuwi na sya ng bahay nila, then ayan na naman ang pakiramdam, gloomy na naman, well that’s life people will come and people will go daw.  


Me mga times na we talks about life: hardships and sacrifices.
Basta simpleng babanat yan sa gitna ng peak ng kaseryosohan nyo ng,
“dahil umiibig”.

E not connected naman sa lovelife yung topic, ganyan sya simple pero puno ng kakulitan.

Kapag nagpefreak na ko at ala sya, tapos imemessage nya ko kapag nag-online sya, magsusumbong ako sa kanya about sa mga nangyayari sa kin, alam nya mabilis akong madepress at alam nya kung sino ang kagad na makakapagpakalma sa kin.

Nan will always said; "nakausap mo na ba ang mahiwagang noo?"

He's referring to JoseMa.  

One time bigla akong nagkaload, Alltext20 yun, sya pala yung nagpadala.

"Ramon, na-received mo na ba yung load?"

"Pinaloadan kita para matext mo si Mahiwagang Noo"

"Ha! bakit mo ko niloadan? di ko din to magagamit, Josema is always busy with his work at tuwing weekdays di sya nagloload kasi di din sya makakatex". sabi ko sa kanya.

Since lagi akong balisa that time, di ko na halos nagamit yung load, after 24 hours naexpire na to.

Ilang days di muna sya na-online, tapos one afternoon, minessage nya ko sa ym, nagreply ako, then di na sya sumagot kagad.

"Still there?" sabi ko sa kanya.

"Get a decent pic Ramon, kung gusto mo na kausapin pa kita". sabi nya sa kin.

Xrated pic ko kasi ang nasa avatar ko,

Sagot ko sa kanya: "what's the big deal ba?"

Before ako makapagsend ng isa pang message, offline na sya.

Kinagabihan nagtext sya, depress na depress din sya at umiiyak, gusto na din nyang sumuko, lagi na lang daw syang namamalimos.

Di ako nakasagot kagad, di ako makakilos masyado dahil sa dinadamdam kong sakit ng katawan.

"Basahin mo yung bago kong post sa MNIFY" sabi nya.

Kinabukasan ko pa nagawang basahin ang blogpost nya.

Nagiging makasarili na pala ako, sobrang nakafocus sa sarili ko at di ko na nagagawa pang alalahanin ang nararamdaman ng kaibigan ko.

Sa mga oras na di na nya magawang maging matatag pa, para pagkunan ko ng lakas ng loob, animoy cellphone syang nalolowbat din.

Lagi na lang akong nakatingin sa sarili kong anino at di ko na sya nagagawang kumustahin. Napaka unfair ko na pala, masyado na kong self-centered na tao.

Alam ko mas malakas at mas matatag sya kesa sa kin.

Lahat ng tao dumadaan daw sa ganung punto ng buhay, kung di ko man magawang lampasan ang trahedya sa buhay ko, alam ko magagawa nyang makalampas sa pinagdadaanan nya.

Sa mga pagkukulang ko sayo, sanay maintindihan mo di man magkasintindi tayo ng pinagdadaanang depression, alam ko na alam mo. Mas kaya mo yan!

Nan will always be Nan.
And I’m so happy na part ako ng buhay nya.

Thanks for being my friend…

1 comments:

°eGa° July 28, 2008 at 12:36 PM  

ei...kainggit ang bonding nyo as friends, ah brothers na pala...
ganun talaga, frnds go through several stages which eventually bring them closer and stronger...the tighter u stay together during the tough times, the harder for u to be taken apart from each other....
hehehe, at least u realized where u should make up to ur friend and so he must be going through the same....
work it out, real friends are hard to find nowadays....

  © Blogger template 'Ultimatum' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP