Hanggang Kailan?
Kelan ba pwedeng sabihin na masaya ang isang tao?
Kapag tumatawa sya?
Nakangiti?
Malabo yun dahil ang dali naman dayain ang ekspresyon ng panlabas nating anyo, napakadali magkunwari na masaya tayo sa harap ng ibang mga tao, ang dali nila makumbinsi, pero kung gano kadali dayain ng iba, sampung ulit naman ganun kahirap dayain ang sarili natin.
Minsan may mga bagay tayo na gusto, pipilitin mo tong makuha kahit ano pa ang maging kapalit, isusugal pa rin natin basta lang makuha yun, di basta yung bagay na yun ang talagang gusto natin makuha, kundi yung pakiramdam ng tinatawagang na satisfaction at contentment, karaniwan nakuha man natin sa sapilitan ang isang bagay na gusto natin subalit masasabi ba talaga natin na masaya tayo dahil nasa kamay na natin ang bagay na yun?
Tulad din sya ng pakiramdam na pinipilit, masarap yung pakiramdam na kusang nagiging sayo ang isang bagay na gusto mo, tulad ng kasayahang kusang nararamdaman at hindi pinipilit .
Oo siguro okay lang na magkunwari tayo sa ibang tao pero hanggang kelan natin kayang itago ang bigat ng ating pakiramdam?
Alam mo yung pakiramdam ng isang taong may hyper acidity? Na tuwing maisstress sya parang hinahalukay ang kanyang lamang loob?
Madaming beses ko na yung nararansan dahil madalas akong depress lately.
Wag daw magpaka stress pero kaya ba nating pigilan ang isip natin na mag-isip? Ang hirap eh parang hiniling na din sa kin na wag na kong huminga, ganun kahirap.
Di naman sa reklamador akong tao pero alam mo yun, ang bagal ng phasing ng buhay ko, ang bagal, bagal, bagal….
Mali din kasi yung aantayin ko na lang dumating yung isang bagay na mangyari sa kin, pero tuwing sasabak ako para kunin ang mga gusto ko, di ko makuha, lagi ko piniplit abutin yung mga mga gusto ko. Yung tipong handa akong akyatin kahit gano man yun kataas para lang malapitan ang mga bagay na yun, subalit kapag nandun na ko at abot kamay na lang lahat, lagi akong nahuhulog. Ilang ulit ko na pinilit gawing tama ang lahat pero ganun pa rin. Luhaan pa rin, ang hirap hirap abutin ng mga bagay na gusto mo, ayokong isipin na kaya hindi ko makuha ang mga yun ay dahil hindi yun para sa akin.
Dedikasyon, malamang kulang daw ako, konbiksyon ala daw ako nun.
Ang galling magsabi ng ilan ng mga ganung mga bagay samantalang di naman nila alam ang pakiramdam ng nasa kinalalagyan ko…
Kakainggit nga ang iba eh alam mo yun parang ang perpekto na ng buhay nila, nasa kanila na ang lahat na bagay na kailangan nila. Nakukuha nila lahat na gusto nila…
Pero pagkaminsan naiisip ko parang okay lang din na ipinanganak ako na halos walang wala, di maganda ang buhay, yung laging kumakalam ang sikmura. Yung hanggang sa tingin na lang yung mga bagay na gusto ko, hanggang pantasya na lang yung mga lugar na gusto kong puntahan, hanggang hiram na lang ang lahat na bagay sa buhay ko, simula sa sapin sa paa hanggang sa saklob sa aking ulo.
Humahantong din na hanggang sa pag-ibig nakikihati o nakikihiram lang din ako.
Kung nasa akin na siguro ang lahat nung ipinanganak ako masasabi ko na hindi ako magiging malakas, hindi na ko mangagarap, hindi na ko magpapantasya., hindi ko na masasabing “Survivor Ako”…
Hindi ko din siguro mararanasan yung sarap ng pakiramdam habang bumubuhos ang luha ko sa tuwa o sa kapighatian man, dahil wala na kong dahilan para maging malungkot dahil magiging napakadali na para sa kin na makuha ang lahat na gusto ko….
Minsan sabi sa preaching ng isa sa mga pastors namin, lahat me nakalaan si God para sa tin, nagkakataon lang na nauuna maibigay sa iba yung para sa kanila at nahuhuli yung sa iba, di dahil may paborito sya o me mas inuuna, kundi ibibibigay nya ang nakalaan sa bawat isa sa tamang panahon.
Para sa kin para itong pagtatanim, kung ano ang itinanim mo, yun din ang aanihin mo. Masarap isipin na tulad ng isang bunga o isang prutas, inaantay na lamang itong mahinog!
Good thing comes for those who wait nga daw sabi sa isang klasikong kanta…
Di ko man batid kung kelan maaani ang bunga ng aking mga itinanim, masarap isipin na may hinihintay din pala ako, sa tamang panahon at pagkakataon matatamasa ko din ang lahat ng bunga ng aking ipinunla…
Sa ngayon tiis muna sa pagdildil ng asin, bukas tyak magkakaroon ng piging!
0 comments:
Post a Comment