God's Way Of Humbling Our Nation
Nagiging mainit na ang panahon, muli nang bumabalik sa dati ang takbo ng buhay sa lansangan para sa marami, pero sino ang kagad agad na makakalimot sa trahedya na dinulot ng bagyong Ondoy?
Oo wala ako sa lugar namin sa gabing dumatal ang delubyo, wala ako sa bahay namin nung araw na umapaw ang lawa ng Laguna.
Hapon ng Byernes noon ng nilisan ko ang bahay namin sa Cabuyao, tulad ng nakagawian nagkita kami ng aking kaibigan upang sa kanila ako magpalipas ng araw ng Sabado para sabay na kami pumunta sa Alabang para umattend ng mass service, planado na ang lahat ng araw pa lang ng Huwebes, umaga ng sabado dapat gumising ng maaga upang mag-jogging sa gilid ng Lawa ng Sampalok, subalit habang lumalalim ang gabi bumuhos ang matinding ulan at tila ba parang mga mumunting piraso ng bato ang bigat ng bawat patak nito, mabigat at maingay ito. Mga tagpong hindi ko talaga nagustuhan simula nung ako ay bata pa, ewan ko ba kung bakit ayaw ko sa tag ulan, sabi ng iba simbolo daw yun ng biyaya, pero para sa kin simbolo sya ng kalungkutan, tumatangis na langit at naghihinagpis ng kalooban.
Sabado ng umaga malakas na malakas ang ulan, maghapon na tila wala araw sa dilim ng kalangitan, walang tigil ang buhos ng ulan, maghapon kami hindi nakalabas ng bahay. Ginugol ko ang oras ko para magpahinga at paminsan minsan magcheck ng email ko, hindi ko sinadyang manuod ng telebisyo ng araw nay un, siguro dahil sa umuulan at kakaiba ang aking pakiramdam basta bumubuhos ang ulan. Umaga ng lingo ika-27, kahila-hilakbot ang nilalaman mga bawat mga balita sa telebisyon, ang Punong Lungsod ay nilunod ng ulan, ng umapaw na mga ilog at lawa, nilamon ang bawat gusali at mga bahay, maraming umiiyak na tao, bata matanda, nawawalan daw sila ng mga miyembro ng pamilya, nasira daw ang bahay at inanod ang mga kasangpan nila.
Walang pinili ang unos lahat ay nakatikim sa pagkakataon na yun. Walang kasarian at gulang na nakaligtas sa tindi ng pagbuhos ng ulan, sa bilis ng pagtaas ng tubig, epekto daw ng nagbabagong klima ang dahilan, para sa kin paraan ito para muling magpakilala ang Diyos, nakakatuwa at nakakalungkot na kung kelan lang me sakuna, dun lang nila nagagawang magdasal at tumawag sa Ama sa itaas.
Sa tagpong yun din naging pantay pantay ang kalagayan ng mga tao sa gitna ng baha at ulan, nawala ang mayaman at mahirap, naging iisa na lang ang kanilang estado at katayuan, “mga biktima”…
Naging isa ako sa mga taong hindi gaanong naramdaman ang bagsik ng delubyong dumatal sa bansa, wala man akong kusing sa aking bulsa, pinili ko pa ring tumutulong sa mga nasalanta, nakiisa ako sa mga volunteers sa Red Cross para magrepack ng mga damit…
Masarap ang pakiramdam at walang katumbas na pera ang aking naranasan…
In every time of adversities do not seek for strong buildings to be your refuge, but rather seek God as your refuge …
Because God’s love is unfailing and never ending, He rules the entire universe and he controls all the elements of nature….
Know your God today and honored Him, for He is faithful and righteous….